Posts

Brand New Car na Pa-raffle ng SM Bacoor, May Hokus Pokus Nga Ba?

Image
Isang video ang kumakalat sa internet ngayon ukol sa umano’y pandaraya ng mga opisyal ng SM Bacoor, habang kanilang binubunot ang diumano’y nanalo ng kotse sa kanilang Raffle promo. Nag-ugat ang pagdududa ng mga kababayan natin dahil sa naging kilos ng opisyal ng SM Mall habang isinasagawa ang raffle draw. Ayon sa mga netizens, kapansin-pansin daw na hindi inalis ng SM official ang kaliwang kamay nito sa kanyang bulsa habang kumukuha ng raffle entry sa tambiolo. At nang may nakuha daw na winning raffle entry, sabay na ginamit umano ng opisyal ang kanyang kaliwa’t-kanang kamay at ibinigay ang winning entry sa kawani ng Department of Trade and Industries (DTI). Ayon sa uploader ng video na si Norman SaƱez Ramirez, galing daw ang video sa Facebook page mismo ng SM Bacoor pero binura na daw ito sa FB page ng SM. Nai-save niya daw ang naturang video para malaman kung totoo bang may nangyaring dayaan.

Pwede Pala | Mas Madali at Mas Mabilis na Ngayon ang Pag-renew ng Driver's License at Motor Vehicle Registration Nationwide

Image
Magandang balita mula sa DOTr at LTO. Mas pinadali at mas pinabilis na ngayon ang pag-renew ng driver's license at rehistro ng sasakyan sa pamamagitan ng Personal Appointment at Scheduling System (PASS) ng LTO Online. Maaaring ma-access ang Online Appointment System sa www.lto.net.ph. Ang mga aplikante ay maaari na ngayon mag-set ng appointment sa kanilang gustong petsa at oras sa mga piling sangay ng LTO.

Aiko Melendez sa mga Militanteng Estudyante "Imbes Mag-aral, Puro Rally na lang Ginagawa"

Image
Sermon ang inabot ng mga militanteng estudyante sa sagot ng aktress na si Aiko Melendez sa social media post ni Davao City Mayor Sara Duterte. Sa  Instagram post ni Mayor Sara Duterte, tinira nito si ACT Teachers Partylist Representative Antonio Tinio sa tila paggamit sa ilang kabataan sa kanilang rally habang panahon ng pag-aaral. Sinang-ayunan naman ni Melendez ang post ni Mayor Sara. “Imbes na pag aaral ang atupagin, rally at puro reklamo nalang ang ginagawa. Maraming mga bata ang ninanais na makapag aral at pinapangarap na sana sila ang nakakapag aral than sa inyo na ala inatupag kundi magreklamo. Do they even know why they are there? If they love our country as they always claim, shouldn’t they prioritize our children to study instead of being in the streets?!!,” sabi ni Aiko “Kung mahal po ng mga party list na yan ang mga bata na pinagrarally nila, bakit di nila ibigay ang parte ng budget nila para sa edukasyon ng mga bata na po yan dba mam? Kaso mali na...